Para sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga miyembro Bukidnon PNP ay umarangkada ang Enhanced Monitoring of Police Overall Wellness (EMPOw) sa Camp Captain Ramon Onahon, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang umaga ng Martes, Setyembre 26, 2023.
Ito ay inorganisa ng Regional Medical and Dental Unit 10 sa pangunguna ni Police Colonel Michelle A Arban, Chief, Regional Medical Dental Unit 10 kaagapay ang Bukidnon Police Provincial Office.
Isinagawa ang serbisyong pangkalusugan gaya ng Psycho-Social Services, Dental Services, Optical Check-up, Nutrional Counseling, Body Fat Scan, Hand Grip Test, pamimigay ng gamot at nutrional drinks.
Sinisiguro nito ang kalusugan ng kapulisan sa pagsasagawa ng serbisyong medikal upang magampanan ang sinumpaang tungkulin sa pamayanan.