Handog ng Maguindanao del Sur Provincial Government ang Medical and Dental Mission at Outreach Program sa mga residente ng Rajah Buayan na ginanap sa bayan ng Rajah Buayan Maguindanao del Sur nito lamang ika-9 ng Pebrero 2025.
Ito ay pinangunahan ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu katuwang si Rajah Buayan Mayoralty Candidate Jacob “Jaguar” Ampatuan, Vice Mayoralty Candidate Datu Orly Utto, Board Member Datu Youseff Paglas at buong slate ng mga ito.
Daan- daang mga residente ang naka benepisyo ng libreng medical check-up, dental check-up, libreng eye glasses, tsinelas, bigas, food packs, tuli at libreng pagkain.
Lubos namang ikinagalak ng mga residente ng naturang lugar ang tulong na ipinaabot ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na malaking tulong sa kalusugan.


