Ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Digos sa mga residente ng Barangay Aplaya ang 17 jetmatic pumps kaugnay sa CSPMO-Water Resource Program sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Josef Fortich Cagas noong Pebrero 8, 2025, sa Barangay Aplaya Gym, Lungsod ng Digos, Davao del Sur.
Sa ngalan ng mga residente ng Barangay Aplaya, ipinaabot ni Punong Barangay Gregorio Amacio ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Josef Cagas at sa proyekto sa ilalim ng kanyang administrasyon sa pagbibigay ng karagdagang pinagkukunan ng tubig para sa barangay, na tumutugon sa isang matagal nang problema ng mga residente nito.
Dumalo sa seremonya ang mga miyembro ng 8th City Council, sina Hon. Danny Canastra, Hon. Concepcion “Ching” Cadungog, at Hon. Nestor “Jay” Aldeguer, Atty. Nikkolo “Nik” Cortes, CSPMO-Water Resource Program Head Leon Nacua at mga kawani, pati na rin ang mga opisyal at mga tauhan ng Barangay Aplaya.
