Nasakote ang Top 8 Most Wanted Person Regional Level sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga otoridad noong Pebrero 12, 2025 sa Barangay Poblacion, Midsayap, Cotabato.
Kinilala ang suspek na si alyas “Malasugui”, 35 anyos, magsasaka, at residente ng Barangay Nabalawag, Midsayap, SGA-BARMM.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang pina-igting na kampanya ng PNP laban sa anumang uri ng kriminalidad ay nagbibigay ng kaayusan sa pamayanan at kaligtasan ng publiko na daan sa pagkamit ng kaunlaran.