Opisyal nang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental ang pagdiriwang ng “DULA TA” Sports Caravan nito lamang ika-13 ng Pebrero sa Provincial Capitol Gym sa Mati City, Davao Oriental.
Puno ng kasiyahan ang Kapitolyo ng Davao Oriental sa pagtitipon ng mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Mati, sa isinagawang opisyal na pagbubukas ng Province-Wide DULA TA! (Developing Unity, Leadership, and Agility Through Athleticism) Sports Caravan.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Davao Oriental Governor NiƱo Sotero Uy, at naisakatuparan sa pagsisikap ng Provincial Sports and Youth Development Office.
Dinaluhan naman ito hindi lamang ng nga atleta kundi pati na rin ng mga lokal na opisyal, mga stakeholders, sports enthusiasts na nagpakita ng buong suporta.
Ani ni Gov. Uy, ang pagdiriwang na ito ay dinisenyo hindi lamang upang paunlarin ang mga kasanayan sa atletika kundi pati na rin upang magtaguyod ng mga kasanayan sa buhay tulad ng disiplina, pagtutulungan, at tibay.
Ito ay isang plataporma kung saan ang ating kabataan ay maaaring ipakita ang kanilang mga kakayahan at talento, at makabuo ng matibay na relasyon sa kanilang kapwa.
