Timbog sa patong-patong na kaso ang isang tricycle driver na tinaguriang Top 3 City Level Most Wanted Person sa Malanos Street, Calinan Poblacion, Davao City nito lamang Pebrero 11, 2025.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Benjie”, 39 anyos at residente ng naturang lungsod.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong tatlong bilang ng Statutory Rape na walang piyansang inirekomenda, dalawang bilang ng Sexual Assault na may piyansa na P200,000.00 at Acts of Lasciviousness na may piyansang P180,000.00.
Mas pina-igting ng PNP ang mandato na ilagay sa likod ng rehas ang mga taong may sala sa batas para sa mas maunlad at maayos na komunidad.