Nasakote ang isang lalaki sa kasong Attempted Rape sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Bus-Bus, Jolo, Sulu nito lamang Pebrero 12, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nijar”, 49 anyos, residente ng nasabing lugar.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Rape na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng Php120,000.00.
Ang PNP ay patuloy sa mandato na siguraduhin ang kaligtasan ng publiko at kapayapaan sa ating pamayanan.