Handog ng mga tauhan ng Davao Oriental Police Provincial Office ang mga rosas para sa mga kababaihan kaugnay sa Pre-Valentine’s Activity sa Mati City, Davao Oriental nito lamang Pebrero 12, 2025.

Ipinamahagi ang mga rosas at flyers na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa RA 11313 (Anti-Bastos Law), Gender-Based Violence, pati na rin ang mga emergency hotline ng PNP sa mga kababaihan na nasa pangunahing lugar tulad ng terminal ng bus, palengke, ospital, at paaralan.

Naghatid naman ito ng ngiti at kilig sa mga kababaihan sa simpleng pakulo ni Mamang Pulis.

Ang Araw ng mga Puso ay nagpapa-alala sa kahalagahan ng respeto at pagkilala sa papel sa lipunan at pagpapalaganap ng kamalayan at batas na pumoproteksyon para sa mga kababaihan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *