Nasakote ang isang 60 anyos na lolo na may patong-patong na kaso sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Purok Malipayon 1, Brgy. Culo, Molave, Zamboanga del Sur nito lamang ika-10 ng Peberero 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Salbo”, 60 anyos, lalaki at residente ng naturan lugar.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault, Statutory Rape, Violation of RA 7610, RA 11930, at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials na may inirekomendang piyansa nagkakahalaga ng Php248,000.00.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at katahimikan upang mas maunlad at payapa ang ating bayan.