Idinaos at nakinabang ang mga residente mula sa iba’t ibang barangay ng Zamboanga City sa isinagawang Grand Medical Mission sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan kasama ang iba’t ibang mga ahensya nito lamang ika-11 ng Pebrero, 2025.
Tinagurian itong “Justo y Decente Ayuda Program” kung saan iilang myembro ng Philippine Medical Association in Chicago o PMAC ay nagsagawa ng major at minor surgeries sa City Coliseum sa barangay Tetuan gayundin sa Zamboanga City Medical Center.
Sa ikalawang araw ay ginanap ito sa barangay Zambowood ng lungsod kung saan kaparehong serbisyo pa rin ang inalok sa mga residente.
Ang programa ay isang kolaborasyon sa pakikipagtulungan din sa the Doctors on Wheels at sa Department of Health (DOH) kasama ang ibang mga tanggapan kagaya ng City Health Office, City Agriculturist Office, City Social Welfare and Development Office, Office of the City Treasurer, Office of the City Environment and Natural Resources at marami pang iba.
Ang nasabing programa ay isa sa flagship program ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, na nagnanais na mailapit at maihatid ang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente at upang maipakita sa mga ito ang malasakit ng gobyerno sa mga marginalized, disadvantaged at vulnerable sectors ng lipunan.


