Inilunsad ang maayos at mapayapang National and Local Elections (NLE) 2025 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election (BARMM PE) sa pamamagitan ng Solidarity Pact Signing sa Camp General Paulino T. Santos, Police Regional Office 12 (PRO 12) Grandstand, Tambler, General Santos City nito lamang Pebrero 12, 2025.
Kabilang sa nakiisa sa aktibidad ay sina Police Brigadier General Arnold P. Ardiente, Regional Director ng PRO 12, BGen Donald M Gumiran, Commander, 6th Infantry Division, Dir. Carlito D. Rocafort, CESO V, Regional Director, Department of Education (DepEd) XII, at Atty. Wilfred Jay E. Balisado, Regional Election Director ng COMELEC XII, na naging panauhing pandangal ng programa.
Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang mga lumagda na makikipagtulungan sa pagbabantay at pagpapatupad ng batas upang labanan ang electoral fraud, vote-buying, at iba pang ilegal na gawain.
Patuloy pa rin isinasagawa ng COMELEC at mga law enforcement agencies ang masusing paghahanda upang matiyak ang mapayapa at maayos na halalan 2025.
