Idinaos ang mangrove planting activity na pinangunahan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at Office of the City Environment and Natural Resources (OCENR) sa coastal zone ng Logoy Diutay, Barangay Talon-talon, Zamboanga City nito lamang Pebrero 10, 2025.

Dumalo sa aktibidad ang iba’t ibang local at national government agencies, private organizations, NGOs at iilang kinatawan mula sa education sector.

Ipinaalala ng aktibidad na ito ang mahalagang tungkulin para sa lahat na ang pagpreserba sa wetlands ay makakatulong upang makamit ang sustainable development goals sa taong 2030.

Ito ay bilang pakikiisa sa obserbasyon ng World Wetlands Day 2025 na mayroong temang “Protecting Wetlands for our Common Future” at bilang pangako ng lungsod na maprotektahan at maalagaan ang kalikasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *