Ipinagdiwang ang Davao de Oro Arts Month na may temang “Ani ng Sining, Diwa at Damdamin” nito lamang Pebrero 10, 2025.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni mismong Davao de Oro Governor Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga.

Unang nagpakitang gilas rito ang Manat National High School Dance Company habang si Provincial Administrator Lewis Jake G. Caiman, naman ang nag-deliver ng welcome remarks para sa lahat ng malugod na dumalo.

Ang pagdiriwang na ito ay nagbigay-diin sa malalim na ugnayan ng kultura at sining sa Davao de Oro at ng talento at husay ng mga local artists.

Ipinahayag naman ni Gov. Gonzaga sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng kultura at sining sa pagtatag ng pagkakakilanlan at ekonomiya ng buong probinsya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *