Matagumpay na isinagawa ang opening ng 2025 Inter-Color Sportsfest na dinaluhan ng iba’t ibang kagawaran ng gobyerno bilang bahagi ng “Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan” program na isinagawa sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City, Cotabato nito lamang ika-14 ng Pebrero 2025.
Dumalo sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Cotabato Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Gilberto B Tuzon, Provincial Director.
Nakiisa din ang BFP, BJMP, DepEd, Provincial Employees at mga volunteers.
Nagkaroon ng Zumba Activity sa naturang aktibidad at sinundan ito ng ibat ibang laro tulad ng basketball at volleyball.

Hinihikayat ng aktibidad na ito ang mga empleyado na magsama-sama sa mga koponan at lumahok sa iba’t ibang palakasan.
Ito ay nagsusulong ng pagtutulungan at pagsuporta sa isa’t isa.
Itinataguyod nito ang isang positibong kultura at nagpapalakas ng pangkalahatang moral sa lugar ng trabaho.
