Matagumpay na naidaos ang ika-21 Timpuyog Festival sa bayan ng Kiamba, Sarangani Province.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang, “Timpuyog: A Celebration of Race Unity, Natural Wealth, and Development,” na sumasalamin sa pagkakaisa ng iba’t ibang lahi, ang likas na yaman ng bayan, at ang patuloy na pag-unlad nito.

Sa makulay na kulminasyon ng pagdiriwang, personal na dumalo si Sarangani Governor Rogelio “Ruel” Pacquiao, upang saksihan ang Street Dancing Competition, isa sa mga tampok na aktibidad ng festival.

Bilang suporta sa kasiyahan, nagbigay si Gov. Pacquiao ng karagdagang P100,000.00 bilang premyo sa kompetisyon, na lalo pang nagpasigla sa mga kalahok at mga manonood.

Bukod sa masiglang selebrasyon, muling pinatunayan ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Sarangani ang kanilang pangako sa pagpapaunlad ng Kiamba at ng buong lalawigan.

Samantala, nakiisa din ang Sarangani PNP at pinakita ang galing sa pag-indak sa sayaw na nagbigay saya at tuwa sa mga manunuod.

Ang patuloy na pakikiisa ng pamahalaan sa mga mamamayan ay isang patunay ng mas matibay na pagkakaisa at dedikasyon tungo sa kaunlaran.

Ang Timpuyog Festival ay isang mahalagang pagdiriwang na nagpapakita ng mayamang kultura, kasaysayan, at likas na yaman ng Kiamba.

Sa loob ng 21 taon, nananatili itong isang simbolo ng pagkakaisa at pagsulong ng buong bayan.

Sa pagtatapos ng selebrasyon, nag-iwan ito ng inspirasyon sa mga mamamayan na ipagpatuloy ang pagtutulungan at pagmamalasakit sa kanilang bayan upang lalo pang mapalakas ang kaunlaran at pagkakaisa sa Kiamba, Sarangani Province.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *