Umabot sa 2,418 na estudyante mula sa Mabini National High School, Sitio Tan-awan Integrated School, at Salvacion Integrated School ang nakatanggap ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Tabang sa Edukasyon Para sa Kabataan Program ng Davao de Oro Provincial Local Government Unit nito lamang Pebrero 27, 2025.

Laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryo kay Gobernador Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, na aniya ay malaking tulong ang biyayang natanggap pambili ng mga gamit sa eskwela at iba pang gastusin.

Layunin ng programang ito na magbigay ng tuloy-tuloy na suporta sa edukasyon sa probinsya at maghatid ng mahahalagang serbisyo mula sa gobyerno upang matiyak ang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *