Opisyal nang sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Focal Point System ang mga aktibidad para sa selebrasyon ng National Women’s Month nito lamang ika-28 ng Pebrero 2025.

Iilan sa mga aktibidad na bahagi ng “Mes de las Mujeres” ay ang pagpaskil ng advocacy steamers, mga pagsasanay para sa mga kababaihan, job fair, at women summit.

Ipinagdiriwang tuwing Marso ang Buwan ng Kababaihan alinsunod sa Presidential Proclamation No. 227, upang bigyang pagkilala ang mga naging kontribusyon at ang papel ng kababaihan sa lipunan.

Ang National Women’s Month ngayong taon na may temang: “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas” ay pinagtitibay ang pangunahing layunin ng RA 9710 o ang Magna Carta of Women.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *