Matagumpay na isinagawa ang Local Amnesty Board (LAB) Meeting sa Conference Room sa Maimbung Municipal Hall, Sulu nito lamang ika-27 ng Pebrero 2025.

Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan nina Hon. Mayor Hja. Shihla Tan-Hayudini; Fiscal Annie Marie Pirreangelie P. Ledesma, MNS; Police Colonel Jeff Briones Uy, Acting Provincial Director ng Sulu Police Provincial Office; at Philippine Army.

Ang LAB meeting ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng amnestiya, na naglalayong isulong ang pambansang pagkakasundo, kapayapaan, at rehabilitasyon ng mga dating lumabag sa batas na nagnanais magbagong-buhay.

Itinuturing na isang makasaysayang hakbang ang pagpupulong na ito bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LAB Sulu na isulong ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan.

Habang patuloy na umuusad ang LAB tungo sa kapayapaan, nananatiling bukas ang panawagan para sa mas aktibo at may malasakit na pakikilahok ng bawat isa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *