Patay ang isang babaeng pulis dahil binaril ng kapwa babaeng pulis gamit ang kanyang service firearm matapos magkaroon ng mainit na pagtatalo nito lamang Huwebes, Pebrero 27, 2025 sa Brgy. Biaba Damag, Marawi City, Lanao del Sur.

Batay sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Lanao del Sur Police Provincial Office, kinilala ang namatay na si Patrolwoman Amerah Mamayandug, residente ng Brgy. Making, Parang, Maguindanao del Norte at isang etnikong Iranun.

Habang ang nakapatay ay kinilalang si Patrolwoman Sittie Johainiah Langgay, residente ng Balindong, Lanao del Sur at isang Maranaw.

Nabatid na narinig na nagtatalo ang dalawa sa loob ng boarding house ni Pat Mamayandug bago nagkaroon ng putok ng baril.

Binaril ni Pat Langgay sa dibdib si Pat Mamayandug na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nakaganti naman ng putok si Pat Mamayandug kaya nagtamo din ng tama ng bala si Pat Langgay at nagpapagaling sa hospital sa kasalukuyan.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Lanao del Sur PNP sa pinag-ugatan ng away ng dalawang babaeng pulis at nagpa-alala na maging mahinahon, pag-usapan ang mga hindi pagkakaintindihan na mga bagay, huwag magpadala sa emosyon at galit upang gumawa ng mga desisyon na ikakapahamak ng ating kapwa at pagsisisihan sa huli.

Photos by: Marawi City Police Station

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *