Matagumpay na isinagawa ang Tree Growing Activity sa Brgy. Pagalamatan, Saguiaran, Lanao del Sur nito lamang ika-25 ng Pebrero 2025.

Sa pangunguna ng Social Work Intern at sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Saguiaran at Saguiaran PNP.

Dinaluhan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga miyembro ng pulisya, kabataan, at iba pang volunteers na nagkaisang magtanim bilang bahagi ng adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang Tree Growing Activity na ito ay patunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor sa layuning mapangalagaan ang ating kalikasan at muling buhayin ang kagubatan ng Lanao del Sur.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *