Tiklo ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng mga baril sa Notre Dame Avenue, Kanto Nayon Shariff Rosary Heights 3, Cotabato City nito lamang ika-26 ng Pebrero 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rasdin,” at alyas “Von” nasa hustong gulang at pawang residente ng Datu Blah Sinsuat,Maguindanao del Norte.
Habang isinagawa ang checkpoint operation ay naharang ang dalawang lalaking sakay ng Toyota Hilux at nang ito’y suriin nakuha ang tatlong kalibre ng 45 pistol, apat na magazine at mga bala.
Kasong paglabag sa R.A.10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act kugnay sa COMELEC Gunban ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy na pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na sundin ang mga itinakdang alituntunin sa ilalim ng election gun ban upang matiyak ang kapayapaan at seguridad ng lahat, lalo na sa nalalapit na halalan.