Narekober ang mahigit Php1.9 milyong halaga ng puslit na yosi sa isang checkpoint operation sa Purok 4, Brgy. Biwang, Bagumbayan, Sultan Kudarat bandang 10:50 ng gabi noong Pebrero 25, 2025.

Naharang ng pulisya ang isang Toyota HiAce van na patungong Bagumbayan mula Lebak, Sultan Kudarat na naglalaman ng 35 kahon ng New Berlin cigarettes at 15 kahon ng Cannon cigarettes (kabuuang 50 kahon).

Inaresto ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas “Sailan”, 30-anyos, alyas “Sagel”, 52, at si alyas “Norodin”, 38, pawang mga residente ng Lebak, Sultan Kudarat dahil walang maipakitang kaukulang dokumento.

Nanawagan naman ang PNP ng tulong at kooperasyon ng publiko upang matigil ang iligal na aktibidad sa komunidad na hadlang sa inaasam na kaunlaran sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *