Isang tradisyunal na aktibidad ng Kalilangan Festival ang Parada ng Lahi ang isinagawa sa Plaza Heneral Santos, General Santos City nito lamang Pebrero 27, 2025.
Pinangunahan ni Hon. Lorelie G Pacquiao, City Mayor kasama si Honey Albert Pacquiao, City Councilor ang aktibidad.
Kasama din sina Police Brigadier General Arnold P Audience, Regional Director ng Police Regional Office 12, at Police Colonel Nicomedea P Olaivar Jr., City Director Ng General Santos City Police Office, at Colonel Clairmont W Pinin INF (GSC) PA, Commander, Task Force Gensan.
Pumarada din ang ibat ibang sektor ng gobyerno, mga opisyales ng lokal na pamahalaan at mga community members.
Ang parada ay tanda ng taunang selebrasyon kung saan nagtipon-tipon ang iba’t ibang pwersa at tanggapan ng ahensya na nagbibigay ng pagpupugay at parangal sa mayamang pamana ng lungsod .
Sa aktibidad na ito naipapakita ang pagkakaisa ng gobyerno at mga mamamayan ng lungsod .
Sama-samang ipinagdiriwang ang Festival na ito anumang lahi at kultura.
Sa pamamagitan ng mga ganitong festival ay napapahalagahan natin ang mga kultura at tradisyon at naipapakita ang pakikisa ng komunidad.
