ng Davao de Oro Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Governor Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga ang pamamahagi ng food packs para sa 165 evacuees sa Barangay Kahayag, New Bataan, Davao de Oro noong Pebrero 26, 2025.

Ang mga evacuees ay naapektuhan ng kasalukuyang Easterlies na dumaan sa lalawigan.

Ang pamamahagi ng tulong ay sinuportahan din ng opisina ni Congressman Ruwel Peter Gonzaga, na nagsusulong ng tuloy-tuloy na suporta para sa mga pamilyang apektado habang nananatili sa evacuation center.

Laking pasalamat naman ng mga evacuees sa natanggap na biyaya na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng tunay na malasakit at patuloy na pagtulong sa mga mamamayan sa harap ng mga pagsubok.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *