Patay ang isang engineer sa naganap na pananambang at pamamaril ng riding-in-tandem sa Shariff Barangay RH3, Cotabato City nito lamang Pebrero 25, 2025.

Kinilala ang biktima na si alyas “Rael”, may-ari ng isang construction firm at residente ng naturang barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang kulay puting Toyota Fortuner nang bigla itong harangin ng riding-in-tamdem at pinagbabaril.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima, subalit idineklarang dead-on-arrival habang mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Narekober PNP mula sa crime scene ang 12 basyo ng bala mula sa isang kalibre .45 na baril.

Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at mahuli ang mga salarin. Hinihikayat din ang publiko na makipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na maaaring makapagbigay-linaw sa insidente.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *