Matagumpay na isinagawa ang Joint Orientation for MNLF Fisherfolk Cooperative sa Camp Ustadz Khabir A. Malik, Barangay Bitanag, Panamao, Sulu nito lamang ika-25 ng Pebrero 2025.
Pinangunahan ng Ministry of Labor and Employment – Sulu, katuwang ang Ministry of Social Services and Development – Sulu at ang Sulu Police Provincial Office, ang naturang aktibidad na naglalayong palakasin ang kamalayan at kakayahan ng mga miyembro ng Bitanag MNLF Fisherfolk Association.
Sa kabuuan, 25 miyembro ng BMFA ang nakatanggap sa programa, kung saan tumanggap ng 25 sako ng bigas, assorted groceries, at iba’t ibang canned goods na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang nasabing orientation ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kaalaman sa kanilang mga karapatan at pagbibigay ng access at suporta.
Ang matagumpay na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at stakeholders ay naging susi sa pagkamit ng layunin ng programa.
Patuloy na pagsisikapan ng mga kinauukulang ahensya na mapanatili at mapalawig ang ganitong mga inisyatibo upang higit pang mapatatag ang kabuhayan at kapakanan ng mga kasapi ng MNLF Fisherfolk Cooperative.
