Nagpaabot ang PhilHealth Region 10 ng mahigit P96 milyon sa Lokal na Pamahalaan ng Cagayan de Oro bilang reimbursement para sa pagpapatupad ng Konsultasyong Sulit at Tama (KonSulTa) program sa taong 2024.

Ginawa ang ceremonial turnover ng tseke noong Pebrero 24, 2025, kasabay ng flag-raising ceremony sa City Hall Quadrangle.

Ayon kay Mr. Marlon Niño S. Arrabaca, Chief Social Insurance Officer ng PhilHealth CDO, bahagi ito ng pagdiriwang ng National Health Insurance Month at ika-30 anibersaryo ng PhilHealth.

Saklaw ng KonSulTa program ang mass registration, first patient encounter, at profiling, na bahagi rin ng mga proyektong Klarex nga Serbisyo sa Baryo at Suroy-Suroy sa Baryo: Klarex nga Serbisyo sa Panlawas sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Rolando “Klarex” Uy.

Dumalo rin sa turnover sina Ms. Maria Rhodella S. Monsanto, Chief Field Operations Division ng PhilHealth-10, Mr. Abdul Obedi S. Alip, at Ms. Hazel B. Lañas mula sa PhilHealth CDO.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Universal Health Care Law, na layong mapalawak at mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *