Ipinamahagi ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) sa Gingoog City at Talisayan, kung saan halos aabot sa P5 milyong (4,803,720) halaga ng financial assistance ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo nito lamang Marso 4, 2025.

Sa kabuuan 1,177 na benepisyaryo ang nakatanggap ng halagang P4,380.00 bawat isa.

924 benepisyaryo mula sa Gingoog City para sa 10 araw na trabaho.

Samantalang sa Talisayan, 253 benepisyaryo rin ang nakatanggap ng parehong halaga.

Ang proyekto ay nakatuon sa mga gawaing may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan, tulad ng paglilinis ng mga kanal at mga pampublikong lugar.

Dinaluhan ni Misamis Oriental 1st District Congressman Christian Unabia, ang aktibidad na personal na nagbigay ng kanyang suporta at ipinahayag ang patuloy niyang pagsuporta sa mga proyekto para sa kapakanan ng mga mamamayan sa lalawigan.

Ayon kay Misamis Oriental 1st District Congressman Christian Unabia, ang mga ganitong proyekto ay mahalaga upang magbigay ng oportunidad sa mga mamamayan na magkaroon ng kabuhayan at pagsasanay para sa mga trabaho.

Ang pamahalaang panlalawigan at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagsanib-puwersa upang matiyak ang patuloy na pag-unlad ng mga programang pangkabuhayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *