Tinatayang P400,000.00 halaga ng puslit na yosi ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Brgy. Tagbak,Talakag, Bukidnon nito lamang ika-6 ng Marso 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Cloy’ 24 anyos, driver at residente ng Barangay 9, Malaybalay City, Bukidnon.
Naharang ng pulisya ang isang Blackish Red Mica Toyota na may Plakang KAF 6787 na galing pa sa Marawi City, Lanao del Sur.
Narekober ang mga kargang kahang ng mga puslit na yosi na 10 ream ng Fort na tinatayang nagkakahagalaga ng P400,000.00.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10643 o Graphic Health Warnings Law.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro na walang anumang iligal na aktibidad ang makakalusot at magbigay ng anumang pinsala at problema sa komunidad.
Photos by: PRO 10