Nasakote ang tinaguriang Top 6 Regional Level Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga otoridad nito lamang Marso 4, 2025 sa Purok 1, Balagon, Siay, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang suspek na si alyas “Chris”, 40 anyos at residente ng Purok 5, Toril, Aloran, Misamis Occidental.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomedang piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.