Handog ng James Cares at Team Agila ang sako-sakong bigas sa mga residente ng Datu Piang, Maguindanao Del Sur bilang bahagi ng programang Rice Hadiyah ngayong buwan ng Ramadhan nito lamang Marso 6, 2025.
Pinangunahin ni Mayoralty Candidate Engr. Zainal James Mlok, katuwang ang Team Agila sa pamamahagi ng naturang bigas.
Tumanggap ng tig-isang sakong bigas na naglalaman ng 12.5 kls ang higit nasa 2,000 katao mula sa mga barangay ng Magaslong, Dado, Kalipapa,Masigay at Alonganen.

Ang pamamahagi ng rice hadiyah ay nakaugalian na ni Engr. Mlok tuwing pagsapit ng panahon ng Ramadhan upang ipalaganap ang diwa ng Ramadhan na pagbibigayan, pagtutulungan at pagmamahalan.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng rice hadiyah dahil malaking tulong ito para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan lalo pa’t panahon ngayon ng Ramadan o pag-aayuno.
Magpapatuloy ang pamamahagi ng rice hadiyah ng Team Agila at James Cares sa iba pang mga pamilya mula sa ibat ibang barangay ng naturang bayan.
