Nasakote ang isang 47-anyos na lalaki na itinuturing na Top 7 Most Wanted Person Provincial Level sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Biwang, Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Marso 6, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Albert” may asawa, at residente ng nasabing barangay.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa 2 counts ng Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagdakip sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *