Nag-iwan ng malaking pinsala ang lindol sa mga ilang mga establisyimento, mga kabahayan kabilang na ang Wao District Hospital at isang Mosque sa Wao, Lanao del Sur nito lamang Sabado, ika-8 ng Marso 2025.

Yumanig ang 4.9 Magnitude na lindol sa nasabing bayan at makikita sa mga larawan ang sirang kisame, gumuhong mga pader at pagkalat ng mga nabasag na salamin dulot ng paglindol.

Patuloy ang isinasagawang assessment ng LGU MDRRMO sa lugar at mga gusali na napinsala ng lindol habang wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa pagyanig.