Matagumpay na naisawaga ang Rido Settlement and Reconciliation sa pagitan ng ilang pamilya mula sa Barangay Kalilangan at Barangay Lalabuan sa bayan ng Balabagan, Lanao del Sur nito lamang umaga ng Linggo, Marso 9, 2025.

Pinangunahan ni Lanao del sur Governor Alonto Bombit Adiong, katuwang ang 64th Infantry Battalion ng 1st Infantry “Tabak” Division at Lanao del Sur PNP ang isa sa pinaka-malaking Rido Settlement o pagkakasundo ng magkaridong pamilya sa naturang probinsiya.

Layunin ng rido settlement ay upang tuldukan ang alitan o hidawaan sa pagitan ng mga pamilyang sangkot, pagkamit ng kapayapaan, pagkakasundo at pagtutulungan, at pagpapatibay ng pagsang-ayon sa anumang mga napagkasunduan.

Inaasahan na sa pamamagitan ni Governor Adiong, PNP at AFP ay matutuldukan na ang matagal nang hidwaan ng mga nasabing grupo dahil ilang buhay narin ang nawala sa magkabilang panig dahil sa kanilang hindi pagkakasundo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *