Matagumpay na naisagawa ang Rido Settlement sa pagitan ng dalawang pamilya ng Baguindali Pilmen at Marato Pelmin sa Brgy. Sapakan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-9 ng Marso 2025.
Dinaluhan ito ng iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur, Rajah Buayan PNP, mga Royal Sultanates ng Lanao del Sur, mga pinuno ng relihiyon, at iba’t ibang stakeholders.
Ang matagumpay na pag-aayos ng Rido ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagsisikap at inisyatiba ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Layunin ng rido settlement ay upang tuldukan ang alitan o hidawaan sa pagitan ng mga pamilyang sangkot, pagkamit ng kapayapaan,pagkakasundo at pagtutulungan, at pagpapatibay ng pagsang-ayon sa anumang mga napagkasunduan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng hakbang na ito, ay matutuldukan na ang matagal nang hidwaan ng mga nasabing grupo dahil ilang buhay narin ang nawala sa magkabilang panig dahil sa kanilang hindi pagkakasundo.
