Nasamsam ang P130,000.00 halaga ng puslit na gasolina habang tiklo naman ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Tugala, Sitangkai, Tawi-Tawi nito lamang Marso 8, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ronald” 33 anyos at alyas “Rey” 35 anyos, pawang mga residente ng naturang lugar.
Bandang 2:35 ng tanghali nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga suspek at pagkakasamsam ng 2,000 litro ng hinihinalang puslit na gasolina na may tinatayang halaga na P130,000.00 at pagkakakumpiska ng isang hindi markadong bangkang de-motor na may mga defaced serial numbers at tinatayang may halagang P200,000.00.
Patuloy ang pagbabantay ng PNP laban sa anumang iligal na aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pamayanan.
