Nasakote ang isang aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dalang puslit na yosi sa bayan ng Salug, Zamboanga del Norte nito lamang Marso 7, 2025.
Kinilala ang suspek na si PO2 Alnasheed Sarail Mohammad, 44 anyos, residente ng Lumiyap, Divisoria, Zamboanga City.
Nasabat mula sa pag-iingat ng suspek ang 200 reams ng New Berlin cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng Php229,200 at isang unit ng Toyota Vios (dark brown) na may Plate Number KAR 7655.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at RA 10643 (Graphic Health Warnings on Tobacco Products).
