Matagumpay na isinagawa ang Awareness Lecture sa mga mag-aaral ng Datu Mohammad Sinsuat Integrated School-Renede Annex sa Brgy. Renede, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang ika-10 ng Marso 2025.
Dinaluhan ng mga mag-aaral nang nasabing paaralan ang naturang aktibidad katuwang ang mga Barangay Officials, at mfa tauhan ng Upi Muncipal Police Station.
Nasa kabuuang 110 na mag-aaral ang nabigyan ng kaalaman patungkol sa Drug Awareness, Municipal Ordinance on No Smoking and Vaping in Public Areas & Minor Driving, Magna Carta of Women, Anti-Child Marriage, & Anti-Bullying Act na naglalayong mapalawak ang kanilang pang-unawa sa mga batas at regulasyong naglalayong protektahan ang kanilang kalusugan, karapatan, at kapakanan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pulisya at lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kaalaman ng kabataan sa batas at kanilang mga karapatan, na susi sa pagbuo ng isang mas maunlad at mapayapang komunidad.

