Nasabat ang tinatayang P750,000.00 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng

mga awtoridad sa Boarder Control Point ng Banaybanay, Davao Oriental nito lamang Marso 8, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Efren”, 27 anyos, isang OFW at residente ng Barangay Conception, Asuncion, Davao del Norte.

Nabatid na naharang ng pulisya ang isang transformer van na may 15 box ng iba’t ibang brand ng puslit na yosi.

Patuloy ang maigting na kampanya ng PNP laban sa iligal na aktibidad at nananawagan sa kooperasyon ng mamamayan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng ating pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *