Isinagawa ang site validation para sa panukalang trading post sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) sa Sitio Patpat, Brgy Lumbia, Cagayan de Oro City nito lamang Marso 12, 2025.
Ang proyekto ng PRDP sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ay isang anim na taong proyekto na naglalayong gawing moderno at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Nabatid na isa ang Cagayan de Oro City sa mga benepisyaryo ng naturang proyektong.
Binubuo ng iba’t ibang opisina ang site validation team tulad ng City Planning and Development Office, City Engineer’s Office, City Agricultural Office, City General Services Office, City Veterinary Office, CLENRO, CEEBDA, at City Legal Office.
Ang trading post na ito ay magbibigay ng karagdagang pag-unlad ng ekonomiya at magbibigay ng pakinabang sa magsasaka, mangangalakal, at mga mamimili.
