Nagbigay tuwa at pag-asa sa mga asosasyon ng mga magsasaka at mangingisda sa Tagum City ang ginanap na turnover ceremony ng mga kagamitan at fertilizers sa Brgy. San Isidro, Tagum City, Davao del Norte nito lamang Marso 12, 2025.

Masayang nakatanggap ang 10 asosasyon ng mga bagong kagamitan at fertilizers, na makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang produksyon at ikabubuti ng kanilang kabuhayan.

Ang limang bagong hand tractor at 29 na panamban na ibinigay sa mga asosasyon tulad ng Libuganon Fisherfolk Pond Owners (LIFPOA), Bincungan Fisherfolk Vendors Association (BIFVA), at Busaon Fishpond Operators , ay magpapadali at magpapabuti sa kanilang mga gawain sa pag-aalaga ng mga isda at iba pang mga yamang tubig.

Ang mga kagamitan na ito ay makakatulong hindi lamang sa pagpapabilis ng kanilang trabaho, kundi pati na rin sa pagpapababa ng gastos sa paggawa at pagpapabuti ng kalidad ng kanilang produkto.

Bukod pa dito, nakatanggap din ang ilang asosasyon ng mga magsasaka at nagtitinda ng mga corn seeds, fertilizers, at iba pang agri-inputs.

Ang mga tulong na ito ay isang patunay ng patuloy na suporta at pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura, na isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng siyudad at komunidad na nakasalalay dito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *