Isinagawa ang blessing at inaguaration ng bagong tayong gusali ng Marogong Municipal Police Station sa Brgy. Proper, Marogong, Lanao del Sur nito lamang ika-11 ng Marso 2025.

Ito ay dinaluhan nina Hon. Nasif B. Maruhom, Punong Bayan ng Marogong, at Hon. Haroun T. Maruhom at sa aktibong pakikiisa ng PRO BAR PNP sa pamumuno ni Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, upang pormal na iturnover ang nasabing pasilidad.

Ang kanilang presensya ay patunay ng matibay na ugnayan sa pagitan ng LGU at PNP sa pagpapalakas ng pampublikong seguridad at pagpapatupad ng batas.

Ang pagtatayo ng bagong istasyon ng pulisya ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa bayan. Isa itong patunay ng patuloy ang dedikasyon ng ating mga kapulisan at mga lokal na opisyal upang itaguyod ng isang mas ligtas, matatag, at maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *