Timbog ang isang businessman na may kasong rape sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Benito Labao St. Poblacion, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang ika-21 ng Marso 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ric”, 51 anyos, residente ng Brgy. Saray, Iligan City.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng P120,000.00.

Patuloy ang PNP sa pasiguro ng kaligtasan at kapayaan ng publiko tungo sa pagkamit ng isang maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *