Isinagawa ang 2025 River Clean-up Drive Na nagpapakita ng pagtutulungan at malasakit sa kalikasan mula sa iba’t ibang sektor sa Malita, Davao Occidental noong Marso 20, 2025.

Ang aktibidad na ito ay nagsimula bilang isang proyektong layuning mapanatili ang kalinisan ng kanilang mga katubigan, partikular na ang ilog sa Looban, Sabang, Barangay Poblacion.

Ang River Clean-up Drive ay isang konkretong hakbang upang malinis ang ilog mula sa mga basurang nagdudulot ng polusyon at panganib sa paligid.

Sa naturang event, iba’t ibang sektor ng komunidad—mula sa mga lokal na residente, mga opisyales ng barangay, mga kabataan, mga organisasyong pangkalikasan, kapulisan at mga volunteers—ang nagtulungan upang mangalap ng basura, lalo na ang mga plastic at iba pang mga materyales na mahirap masira.

Sa pamamagitan ng ganitong uri ng aktibidad, muling pinapakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kolektibong pagkilos sa pagprotekta sa kalikasan upang mapanatili ang balanse na ecosystem at ang kalidad ng buhay sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *