Narekober ang tinatayang P573,000.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang COMELEC checkpoint operation ng mga otoridad sa San Pedro, Tungawan, Zamboanga Sibugay nito lamang Abril 1, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas alyas “Justin”, may-ari ng sasakyan at alyas “Nadzwin”, 32 anyos, drayber.
Napag-alaman na sakay ang dalawa sa isang Toyota Sedan na kulay abo-bughaw na may plakang KAT 1799 na may dalang 450 reams ng Champion (Menthol), 50 reams ng Cannon (Menthol).
Patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng batas upang masugpo ang smuggling at iba pang iligal na gawain sa bansa.
