Matagumpay na isinagawa ang Eid’l Fitr (Feast of Breaking the Fast) congregational prayer noong ika-31 ng Marso 2025 sa Office of the Chief Minister (OCM) Grounds, Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.

Pinangunahan ni Bangsamoro Mufti Abdulrauf Guialani, ang prayer bilang Imaam at naghatid rin ito ng Khutba (sermon) sa panahon ng panalangin, na nagmamarka ng pagtatapos ng Ramadhan 2025 sa Pilipinas.

Ang Eid’l Fitr ay isang taunang kaganapan na sinusunod ng mga Muslim sa buong mundo sa pamamagitan ng mga panalangin, feasting, pagbibigay ng charity, kasunod ng isang buwang pag-aayuno. Ito ay isa sa pinakamahalagang okasyon sa pananampalatayang Islam.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *