Patuloy sa pamamahagi ng tulong ang Pamahalaang lokal ng Cagayan de Oro City sa isinagawang Klarex nga Serbisyo sa Baryo sa Brgy. Besigan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-6 ng Abril 2025.

Ito ay programa ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, na namimigay ng libreng serbisyo sa mga residente.

Nilahukan rin ito ng mga opisyales ng Barangay kasama ang City Local Environment and Natural Resources o (CLENRO) at mga residente ng nasabing lugar.

Nagbibigay din ito ng libreng serbisyong medikal, libreng legal na pagproseso sa mga dokumento,libreng gamot at iba pang pangunahing serbisyo na pangangailangan ng tao.

Ang layunin ng naturang programa na makapagbigay ng libreng access sa mga lugar para mas padali ang proseso para sa mga residente na nangangailang ng tulong.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *