Inilunsad ang Pamahalaang Lungsod ng Digos

ang medical mission, serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga mamamayan, lalo na sa mga residente na maaaring hindi laging magkaroon ng access sa mga ganitong serbisyo sa By. Mahayahay, Digos City, Davao del Sur noong Abril 4, 2025.

Sa pamumuno ng City Special Programs and Management Office at City Health Office, nakatanggap ang mga residente ng iba’t ibang serbisyong medikal at pangkalusugan tulad ng libreng dental services, check-up, tuli, gupit, pet vaccination, at pamamahagi ng vegetable seeds.

Ang ganitong uri ng inisyatiba ay nagsisilbing patunay ng malasakit at dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng kanilang mga mamamayan.

Ipinapakita nito na hindi lamang ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan ang isinasagawa, kundi pati na rin ang mga serbisyong sumusuporta sa kabuuang kapakanan ng bawat isa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *