Isinagawa ang Oplan Bakuna kontra Rabies sa mga alagang aso sa iba’t ibang barangay ng Cagayan de Oro City nito lamang Abril 2, 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni City Veterinarian Dr. Helen Ann Tacandong ng City Veterinary Office.

Nasa kabuang 10,997 na mga alagang aso ang nabakunahan sa pamamagitan ng High Density Anti-Rabies Vaccination.

Ito ang Barangay Balulang na mayroong 2,828 na nabakunahang aso; Barangay Carmen, 5,415 na nabakunahang aso, at Barangay Gusa, 1,854 na nabakunahang aso.

Pinasalamatan ni Dr. Tacandong, ang lahat ng responsableng may-ari ng alagang hayop dahil sa pamamagitan ng libreng bakuna, masisiguro ang mas ligtas at mas malusog na komunidad para sa lahat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *