Isinagawa ang pamimigay ng automotive toolkit ng Cagayan de Oro City LGU katuwang ang Toyota Cagayan de Oro City na ginanap sa Kauswagan, Cagayan de Oro City nito lamang Abril 25, 2025.

Binigyang diin ng tagapagsalita ng Cagayan de Oro LGU na si Janboy Actub, ang kahalagahan ng public-private partnership sa pagpapahusay ng teknikal na kasanayan ng labor force sa lungsod.

50 automotive toolkit ang naipamahagi sa mapapalad na benepisyaryo ng programa.

Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang sektor ng labor force partikular sa mechanical labor upang mabigyan ng magandang gamit at oportunidad na makakatulong sa hanap-buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *